Thursday, July 18, 2013

found this in my chest of memories....

Kanina,
nagising ko ng alas-4 ng hapon
Hindi na ko makatulog
Kasi...
Excited na ko 
Naisip ko
 last day na naman
Day off na uli bukas 

Dahil dun,
Nagmadali ako kumilos
Nagmadali maggayak papasok
Mas maaga kaysa sa karaniwan kong alis
Wala pa alas-sais
Wala na ko samin
Eh ang byahe ko naman
30-45 minuto lang
Ayos!

Hindi ko nga napansin
Ang napili kong isuot
dapat sa Tuesday ko pa isusuot
para sa theme day natin
"Stripes Day"
Ayoko kaya magbayad ng P100.00
Kahit pa bagong sahod lang yun no
Ang laki kaya ng kuryente namin
^_^

Kaya hayun, hinayaan ko na
Suot ko na eh
Naalala ko lang nung nasa jeep na ko
Tapos si Ate,
nagulat pa nung umupo ako sa tabi nya
Hindi naman ako nakakatakot di ba?
Siguro kala nya si Sadako
Napadpad kasi sa mukha ko yung buhok ko
Eh ikaw nga naman ang makakita
buhok lang na walang mukha ang lumalapit sayo
Parang sa "The Grudge" lang ang dating
Di ka nga ba mapapaatras?
Buti hindi nahulog sa upuan si Ate

Express Way na
Dito ang daan ng jeep
Araw-araw
Kaya laging "mahangin sa labas"
ang tema ni TL
Pero teka...
Ano to???
Kalalagpas pa lang namin ng Southwoods
Ni hindi pa kami naabot sa Susana Exit
Biglang bumagal na ang takbo ni manong driver
Napatingin ako sa labas
At dun, ako'y nagitla
Pila-pilang sasakyan
Hindi na gumagalaw

Relax lang ako
"Maaga pa naman eh"
Buti na lang maaga ako umalis sa bahay namin
Sige, itulog ko muna
Kaya nilagay ko ang kanang kamay ko sa mukha ko
Tinuon ang noo
Na kala mo nag-iisip
Pero tutulog lang pala

Pagkalipas ng 15-30 minuto
"Teka.. asaan na ako?"
Lentsak!
Andun pa rin kami sa pinaghintuan namin
6:30 PM na!!!
Hay!
Hindi ko pa nakikita ang "ALASKA"
Dumidilim na ang maliwanag na ulap
Bantrip T_T

Sa pinaikling sulat
Lagpas alas-siyete
na ng dumating ang jeep sa Alabang
Ung mag-jowa,
Nagpababa pa sa festival
Tsk..

LATE ako
nakakainis!
Hindi ko matanggap
T_T
32 minutos!

(nakakapagod pa la maipit sa trapik)
(parang ambigat-bigat sa pkiramdam)
>_< 

No comments:

Post a Comment